FAQ

Ano ang Yippi?

Ang Yippi ay isang natatanging social messaging application. Puwede dito ang pagpapadala ng voice, video, photo at mga text message, ganun din ang mga natatanging feature nito tulad ng white board, beauty camera at live broadcast. Maaari ka ring gumawa ng mga group chat at secret chat. Gumagana ang Yippi sa iOS, Android, Windows Phone, at mga Symbian device.


Ano ang kayang gawin ni Yippi?

Sa Yippi, maaari kang makipag-chat agad sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng mga voice message, mga text o mga imahe. Maaari ka ring lumikha ng mga group chat para maka-chat ang hanggang sa 1000 na mga kaibigan nang sama-sama.


Libre ba ang Yipi?

Ang Yippi ay libreng i-download, i-install at gamitin. Pero nangangailangan ito ng serbisyo ng internet na humihiling ng kabayaran.


Ang Yippi ay libreng i-download, i-install at gamitin. Pero nangangailangan ito ng serbisyo ng internet na humihiling ng kabayaran.

Hindi, ang numero ng iyong telepono ay hindi ipapakita sa Yippi.


Mayroon bang mga rehiyon na may pagbabawal para sa mga voice message?

Wala. Maaari kang makipag-chat sa iyong mga kaibigan kahit saan.


Ano ang pagkakaiba ng Yippi ID at Yippi Nickname?

Ang Yippi ID ay ang iyong natatanging pangalan na maaaring gamitin ng iyong mga kaibigan upang mahanap ka. Ang Yippi ID ay isang beses lamang maaaring palitan. Ang nickname ay ang iyong pangunahing pangalan na makikita ng iba pang mga user ng Yippi at maaari itong mabago anumang oras na gustuhin mo.


Paano ko mahahanap ang aking mga kaibigan?

Maaari mo silang makita sa pamamagitan ng kanilang mga Yippi ID o username.


Paano magdagdag ng mga kaibigan?

Maaari kang magdagdag ng mga kaibigan sa pamamagitan ng paghahanap ng kanilang user ID o username, i-scan ang kanilang natatanging QR code para makapagpadala ng friend request. Maaari kang mag-imbita ng mga kaibigan na sumali sa Yippi sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga link sa pamamagitan ng iba pang mga app tulad ng: Facebook, Whatsapp Messenger, Wechat, SMS, e-mail atbp.


Paano buburahin ang message history?

Maaari mong tanggalin ang isang mensahe o ang buong pag-uusap. Para sa touch-screen mobile, i-tap at i-hold ang mensahe o i-swipe ito pakaliwa.


Paano ko malalaman kung nabasa na ang ipinadala kong mensahe?

Isang maliit na marka ang makikita kapag ang iyong mensahe ay nabasa na ng iyong pinadalhan.


Paano magparehistro?

Maaari kang mag-log in sa Yippi sa pamamagitan ng pag-sign up sa iyong numero ng telepono.


Paano makukuhang muli ang aking password?

I-click ang "Nakalimutan ang Password?" sa log in page at sundin ang mga instruksiyon.

Sumali na Ngayon sa Yippi
 
I-download ang Yippi at masiyahan sa mabilis, ligtas, simple at libreng app.